Inilabas na ng Amazon ang Ocelot, ang unang quantum computing chip nito. Gamit ang scalable architecture, ang chip na ito ay nakakatulong sa pagbawas ng error correction ng hanggang 90% at nagpapabilis ng pag-unlad ng quantum computing applications.
Isa itong malaking hakbang sa pagbuo ng fault-tolerant quantum computers na kayang lumagpas sa karaniwang kakayahan ng mga computer ngayon. Habang ang mga kasalukuyang computer ay gumagamit ng digital values mula 0-9, ang quantum computers naman ay gumagamit ng maliliit na particle tulad ng proton o electron para bumuo ng quantum bits at mag-solve ng mas complex na calculations nang mas mabilis.
Ang Ocelot ay ginawa ng Amazon Web Services Team for Quantum Computing sa California Institute of Technology. Ang paglabas nito ay kasunod ng quantum chip announcements ng iba pang cloud computing companies tulad ng Microsoft at Google, na naglabas ng Majorana at Willow chips.
"Ayon sa mga bagong advancements sa quantum research, hindi na tanong kung posible ang fault-tolerant quantum computers, kundi kung kailan ito magiging available para sa real-world applications. Ang Ocelot ay isang mahalagang hakbang sa direksyong ito," sabi ni Oskar Painter, AWS Director of Quantum Hardware.
"Sa hinaharap, ang mga quantum chips na nakabase sa Ocelot architecture ay maaaring maging mas mura—hanggang 1/5 ng kasalukuyang gastos—dahil sa mas mababang pangangailangan para sa error correction. Naniniwala kami na mapapabilis nito ang development ng practical quantum computers ng hanggang limang taon."