Habang papalapit ang ika-75 anibersaryo ng Formula 1, handa na ang LEGO na dalhin ang excitement ng racing sa mga fans sa buong mundo! Ang bagong partnership na unang inanunsyo noong nakaraang taon ay magdadala ng interactive experiences, exclusive collectibles, at digital content na siguradong ikatutuwa ng F1 at LEGO fans.
Sa 2025, magkakaroon ng LEGO Fan Zones sa 13 F1 races, kabilang ang Shanghai, Silverstone, Monza, at Las Vegas. Dito, maaaring makisali ang fans sa Make and Take builds, magpa-picture sa special displays, at makita ang buong LEGO Formula 1 lineup—featuring all 10 teams for the first time! Bukod dito, sa 20 F1 events naman magkakaroon ng LEGO Pit Shops, kung saan pwedeng bumili ng LEGO Speed Champions, LEGO City, LEGO DUPLO, at LEGO Collectibles sets.
Hindi lang sa race tracks, kundi pati sa mga LEGO stores sa Europe, North America, at China, magkakaroon ng racing-themed activities gaya ng buildable steering wheel giveaway at isang Racing Ramp play zone para sa kids (at kids at heart!). Sa LEGOLAND at LEGO Discovery Centers, magkakaroon din ng F1-themed build events mula Marso hanggang Hunyo.
Bukod sa on-ground events, palalakasin din ng LEGO ang F1 experience online! Magkakaroon ng racing-inspired creative tools sa LEGO Play app, isang F1-themed game sa LEGO website, at isang special LEGO Magazine issue ngayong Marso na may kasamang racing board game. Sa Hulyo naman, ilalabas ang LEGO Collectibles F1 feature.