Si Leigh Rodgers, 34, ay matagal nang may matinding sakit sa ngipin ngunit hindi agad nabigyan ng dental appointment. Dahil sa matinding sakit, napilitan ang kanyang partner na tumawag ng ambulansya para madala siya sa ospital sa County Durham.
Pagdating sa University Hospital of North Durham, kinumpirma ng mga doktor na may dental problem siya pero maaari silang makatulong sa kanyang nararamdaman. Upang matiyak kung may Ludwig’s angina, isang malubhang impeksyon na dulot ng sakit sa ngipin, kinailangan niyang sumailalim sa CT scan.
Binigyan siya ng iodine-based dye para mas malinaw ang scan results. Habang nasa loob ng makina, bigla siyang nakaranas ng matinding allergic reaction o anaphylactic shock. Agad nagresponde ang mga doktor, pero sa kabila ng mahigit 90 minutong pagsagip, binawian siya ng buhay bandang 6:15 PM.
Ayon sa autopsy, ang sanhi ng kanyang pagkamatay ay matinding allergic reaction sa contrast dye. Ayon kay Dr. Oliver Moore, tama lang na isagawa ang CT scan dahil ang pagkalat ng sakit mula sa ngipin hanggang leeg at dibdib ay isang seryosong senyales ng impeksyon.
Ayon sa coroner na si Crispin Oliver, ito ay isang bihirang kaso at isang napakalungkot na pangyayari. Ipinahayag niya ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni Leigh at umaasa siyang hindi na ito mangyayari sa iba.