
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Department of Tourism (DOT) ang mga activities ng aktor sa isla, kabilang ang golf sa umaga, crystal kayak ride, at yacht tour. Mayroon ding larawan na masayang tinikman ni Seo In Guk ang mga pagkaing Pinoy tulad ng sinigang at sisig.
Bago ito, nakita rin si Seo In Guk sa Cebu kasama si BLACKPINK's Jisoo. Ayon sa ulat, may nilulutong romantic-comedy drama ang dalawa na pinamagatang Boyfriend on Demand.
Bilang tourism ambassador, makikilahok si Seo In Guk sa mga campaign na layong palakasin ang relasyon ng Pilipinas at South Korea pagdating sa turismo at kultura.