Pinalawak ng Subaru Australia ang WRX lineup sa paglabas ng bagong WRX AWD tS Spec B, na nakatakdang dumating sa 2025. Dinisenyo ito para sa mas mataas na performance at aggressive styling, na siguradong magugustuhan ng car enthusiasts.
Mayroon itong 19-inch matte grey alloy wheels, Brembo brakes na may ventilated discs, at Recaro front seats, lahat para sa mas magandang handling at driver experience. Dagdag pa ang malaking rear wing spoiler, na nagpapalakas ng motorsport-inspired na disenyo nito.
Sa ilalim ng hood, gamit nito ang 2.4L turbocharged Boxer engine na konektado sa six-speed manual transmission at Symmetrical All-Wheel Drive para sa mas matatag at responsive na pagmamaneho. Ayon kay Scott Lawrence, General Manager ng Subaru Australia, "Ito pa lang ang unang sulyap sa kung anong paparating. Marami pa kaming ihahayag soon!"
Sa ngayon, wala pang opisyal na detalye sa presyo at availability, pero naglabas na ang Subaru Australia ng pre-registration page para sa mga interesado. Abangan ang iba pang updates!