Ang disenyo ng Spanish firm na ito ay sumusunod sa natural na anyo ng paligid, kaya ang mga istruktura ay itinayo sa iba’t ibang taas—katulad ng mga sinaunang Mediterranean villages sa tabing-dagat. Ang layout ay binubuo ng mga square na may iba't ibang level, na nagbibigay ng dynamic na espasyo para sa mga hotel pavilions, apartments, at villas. Ang mga hagdan, tulay, at walkways ay nagdaragdag ng fortress-like na vibe, habang ang alternating directions ng hagdan ay nag-aalok ng maze-like na pakiramdam, na parang inspirasyon sa surreal art ni MC Escher.
Naglagay ang RBTA ng mga private terraces, outdoor pools, at gardens para sa mas relaxing at pribadong karanasan ng mga bisita. Ang resort ay may magagandang viewpoint kung saan matatanaw ang asul na dagat, kalangitan, at luntiang paligid, habang ang bold na pulang exterior ay nagbibigay ng matapang na contrast.
Ang minimalist na disenyo nito ay parang 3D digital architecture na makikita sa gawa ng Joe Mortell at Six N. Five—mga digital designers na sikat sa "metaverse" era. Habang patuloy na lumalawak ang digital design, posibleng mas maraming pisikal na espasyo ang magmukhang inspirasyon mula sa futuristic at surreal na aesthetic na ito.