HANOI, VIETNAM – Isang masayang birthday celebration ang nauwi sa trahedya matapos sumabog ang helium balloons sa harap mismo ng birthday girl sa Vietnam nitong Sabado ng gabi.
“Biglang may malakas na pagsabog tapos may apoy. Nag-panic kaming lahat,” ayon sa isa sa mga dumalo.
Sa paunang imbestigasyon, posible umanong nagkaroon ng static electricity o init mula sa kandila na naging sanhi ng pagsabog. Ayon sa mga eksperto, ang helium mismo ay hindi nasusunog, ngunit kung may halong hydrogen, maaari itong maging delikado.
Nagpaalala naman ang mga awtoridad na maging maingat sa paggamit ng lobo sa mga events, lalo na kung may open flame o spark sources sa paligid. Sa ngayon, nagpapagaling na ang mga sugatang bisita, habang ligtas naman ang birthday girl mula sa seryosong pinsala.