
Isang bagong report mula sa gobyerno ng Argentina ang nagpakita ng alcohol level ni Liam Payne nang mahulog siya mula sa isang hotel balcony sa Buenos Aires noong Oktubre 2024.
Ayon sa National Criminal and Correctional Prosecutor’s Office No. 14, ang dating One Direction member ay may 2.7 grams per liter ng alcohol sa dugo nang mangyari ang insidente sa Casa Sur Hotel.
Base sa American Addiction Centers (AAC), ang ganitong level ng blood alcohol concentration (BAC) ay nasa 0.27%, na nasa pagitan ng "very high" at "dangerous" levels. Kapag umabot ang BAC sa 0.20% hanggang 0.29%, maaari nang makaranas ng pagkalito, pagkahilo, at disorientation.
Sa ganitong kondisyon, maaaring hindi na maramdaman ng isang tao kung mahuhulog o masasaktan siya at hindi rin agad makakagawa ng aksyon tungkol dito. Posible ring makaranas ng pagsusuka, pagkawala ng malay (blackout), at choking dahil sa impaired gag reflex.
Ayon pa sa report, may nakita ring cocaine metabolites, methylecgonine, benzoylecgomine, cocaethylene, at sertraline (isang uri ng gamot) sa katawan ni Payne.
Binanggit din sa dokumento ang isang empleyado ng Casa Sur Hotel na si Braian Nahuel Paiz, na kasama ni Ezequiel David Pereyra, na umano'y nagbigay ng droga kay Payne kapalit ng pera.
"Delikado ‘yung mga pekeng doktor na nagpapagamot sa mga tao. Ang practice ng medisina ay seryoso at dapat lang gawin ng mga licensed professionals," sabi ni Torre.
Mahaharap ang mga suspek sa kaso sa ilalim ng The Food and Drug Administration Act of 2009 at The Medical Act of 1959.