Ang artist na si Maurizio Cattelan, na kilala sa kanyang duct-taped banana na naibenta ng mahigit $6 milyon, ay muling gumawa ng ingay sa mundo ng sining. Pero sa pagkakataong ito, hindi dahil sa isang kakaibang artwork kundi sa pagkawala ng kanyang sikat na gold toilet sa Blenheim Palace sa England.
Pinangalanang “America” (2016), ang toilet ay gawa sa 18-karat gold at may bigat na 103 kilo. Ito ay isang gumaganang palikuran na maaaring gamitin ng mga bisita matapos mag-book ng time slot. Matapos ipakita sa Guggenheim Museum sa New York noong 2016, napunta ito sa isang eksibisyon sa Blenheim Palace noong 2019.
Ayon sa ulat, limang lalaki ang nagsagawa ng mabilis at planadong pagnanakaw. Gamit ang dalawang ninakaw na sasakyan, pinasok nila ang palasyo bandang alas-5 ng umaga at sa loob lamang ng limang minuto, naitakas nila ang toilet. Sinasabing ang lider ng grupo, si Michael Jones, ay bumisita pa sa palasyo bago isagawa ang krimen. Kasama niya sina Fred Doe, Bora Guck, at James Sheen. Sa apat, si Sheen lang ang umamin sa kasalanan.
Iniulat na ang toilet ay binaklas at ibinenta bilang bahagi sa isang jeweler sa London’s Hatton Garden. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito natatagpuan.
Nakakagulat, hindi ito ang unang beses na ninakaw ang 18-karat gold toilet ni Cattelan—nauna na itong ninakaw noong 2019 sa parehong lugar.