Isang nakakagulat na eksena ang naganap sa Sulawesi Tenggara, Indonesia, kung saan isang lalaki ang biglang lumabas mula sa isang gusali at tumakbo sa bubong. Hindi lang ‘yan—parang Spider-Man siyang dumaan sa mga kable ng kuryente at umakyat sa poste.
Habang pinapanood siya ng mga tao, bigla siyang napunta sa isang bahay, pero malas lang dahil mukhang luma na ang bubong—bumagsak siya direkta sa lupa. Buti na lang, agad siyang tinulungan ng mga nakakita.
Walang nakakaalam kung bakit siya tumakas, pero may mga hula ang netizens—nahuli ba siyang nangangaliwa? O baka naman may mga humahabol sa kanya? Ang sigurado lang, swerte siyang hindi nakuryente.