
Sugatan si Datu Piang Vice Mayor Atty. Omar Samama matapos barilin ng isang lalaking sumingit sa crowd habang nagsasalita siya sa isang relief operation sa Barangay Magaslong, Maguindanao del Sur. Tinamaan siya sa dibdib at kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Ayon sa ulat ng United Justice Bangsamoro Party (UJBP) at lokal na pulisya, bandang 9:30 AM nang mangyari ang insidente. Habang nagbibigay ng talumpati si Samama, isang lalaki ang lumapit, nagpaputok ng baril, at agad tumakas.
Si Atty. Samama ay anak ni Datu Piang Mayor Victor Samama. Pareho silang tumatakbo sa ilalim ng UBJP, ang political party ng MILF.
Sinabi ni Police Brig. Gen. Romeo Macapaz na patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at lokal na opisyal. Samantala, tumutulong din ang Army 6th Infantry Division upang matukoy ang suspek sa pamamaril na nagdulot ng takot sa mga residente.