
Kamakailan, inilabas ng developer na Innersloth ang teaser para sa Among Us 3D, kung saan makakaranas ang mga manlalaro ng first-person perspective gameplay.
Noong 2022, naglabas sila ng VR version, pero kailangan ng headset para dito. Ngayon, mas accessible na ang laro dahil maaari itong laruin sa PC at VR platforms.
Sa bagong bersyon, mananatili ang klasikong gameplay tulad ng paggawa ng tasks, sabotages, Emergency Meetings, at venting—pero sa full 3D environment.
Ano ang bago sa Among Us 3D?
- Proximity voice chat – Makakapag-usap ang players in-game nang direkta, walang kailangan na third-party app.
- First-person minigames – Mas immersive at engaging na tasks.
- Customizable Beansonas – Pwedeng i-personalize ang hitsura ng character mo.
- Cross-play sa VR – Pwede kang makipaglaro sa users ng Meta Quest, Steam VR, PlayStation VR 2, at PICO.
Wala pang opisyal na release date, pero may libreng demo na available sa Steam bilang bahagi ng Next Fest, na tatagal hanggang Marso 3.
Samantala, inaasahan ding lalabas ang Among Us animated series na inanunsyo ng CBS Studios noong 2023, kasama ang cast members na sina Randall Park, Yvette Nicole Brown, Elijah Wood, at Ashley Johnson.
Ang Among Us ay unang lumabas noong 2018 pero sumikat nang husto noong COVID-19 lockdowns.
Abangan ang Among Us 3D. Handa ka na bang mahuli o magtago bilang impostor?