Razer ipinakilala ang “Project Arielle,” ang unang gaming chair na may built-in heating at cooling system para sa ultimate comfort!
Inilabas ngayong linggo sa CES 2025 sa Las Vegas, ang Project Arielle ay dinisenyo para sa mga gamers na gusto ng all-day comfort nang hindi na kailangan umalis sa laro.
May integrated bladeless fan system ito na tahimik pero powerful, kaya mas malamig o mas mainit ang upuan depende sa setting mo. May tatlong cooling fan speeds at kayang maglabas ng warm air hanggang 30°C / 86°F.
Ang design nito ay base sa sikat at award-winning na “Fujin Pro” mesh gaming chair ng Razer.
Wala pang petsa kung kailan ito ilalabas, pero stay tuned—bibigay namin ang latest updates!