Ang trapiko sa Metro Manila ay isa sa pinakamalalang problema sa bansa. Halimbawa, ang biyahe mula Makati papuntang Pasig ay maaaring umabot ng mahigit isang oras, kahit magkalapit lang ang dalawang lungsod.
Upang mapabuti ang pamamahala sa trapiko, nakipagtulungan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Japan sa pamamagitan ng Intelligent Transportation Systems (ITS).
Kamakailan, lumagda sina MMDA Chairman Atty. Don Artes at Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative sa Pilipinas na si Sakamoto Takema sa kasunduan para sa proyektong ito sa MMDA Head Office sa Pasig.
Ayon kay Artes, layunin ng ITS na gamitin at pagbutihin ang mga sistema ng MMDA tulad ng vehicle detection systems, variable message signs, speed violation enforcement systems, at traffic signal enforcement systems. Sa tulong ng mga ito, magiging mas epektibo ang real-time monitoring ng trapiko sa lungsod.
Samantala, ayon kay Takema, malaki ang naging papel ng ITS sa Japan sa pagbabawas ng pagsisikip ng trapiko at pagpapahusay ng pampublikong transportasyon. Aniya, ang digital age ay may malaking papel sa pagpapabuti ng daloy ng trapiko, kaya nais nilang ibahagi ang kanilang teknolohiya sa Pilipinas.
Ano ang ITS?
Ang Intelligent Transportation System (ITS) ay isang advanced na sistema na gumagamit ng teknolohiya upang mas mapabuti ang paggamit ng transportasyon. Sa pamamagitan nito, mas madaling makakakuha ng impormasyon ang mga motorista para sa mas ligtas at epektibong biyahe.
Sa Japan, nagsimula ang pagsasaliksik tungkol sa ITS noong 1960s. Pagsapit ng 1995, inilunsad ng kanilang gobyerno ang 11 polisiya para sa pagsasama-sama ng iba’t ibang ITS projects sa isang mas organisadong sistema. Kasama rito ang pagbuo ng system architecture, research and development (R&D), standardization, at international cooperation.
Ilan sa mga bahagi ng ITS sa Japan ay ang navigation apps, automated toll collection systems, CCTV traffic monitoring, variable traffic signages, at speed monitoring systems.
Bagamat malayo pa ang Pilipinas sa teknolohiyang ito, plano ng MMDA at JICA na bumuo ng sariling ITS sa pamamagitan ng pagtatayo ng communications at command center, pag-upgrade ng traffic