Inilabas ng Toyota ang bago nitong 3rd Gen Fuel Cell System, isang malaking hakbang patungo sa hydrogen-based na hinaharap. Ang bagong systemang ito ay ginawa para sa commercial vehicles, at may tibay na kasing-husay ng diesel engines.
Mas pinahusay din ito kumpara sa mga naunang modelo—doble ang tagal at 20% mas matipid sa fuel, kaya mas mahaba ang byahe at mas mababa ang maintenance.
Plano ng Toyota na ilabas ito sa 2026, una sa Japan, Europe, North America, at China. Hindi lang ito pang-kotse—magagamit din sa trucks, buses, power generators, trains, at barko. Dahil sa compact na design, madali itong i-integrate sa iba't ibang uri ng sasakyan.