Nag-aalok ang Cebu Pacific ng one-way base fares na kasing baba ng P188 para sa piling domestic at international flights hanggang dulo ng buwan.
Ayon sa airline, ang seat sale na ito ay may booking period hanggang Peb. 28 at sakop ang biyahe mula Abril 1 hanggang Oktubre 31.
Available ang promo sa mga ruta mula Visayas at Mindanao. Tandaan na ang quoted domestic fares ay may kasamang 7kg hand-carry baggage allowance, pero hindi pa kasama ang Web Admin Fee, 12% VAT, terminal fees, at fuel surcharge.
Para sa international fares, kasama rin ang 7kg hand-carry baggage, ngunit hindi pa kasama ang web admin fees para sa short-haul at long-haul flights, P550 international terminal fee, at fuel surcharge.
Para makakuha ng promo, bisitahin ang seat sale section ng airline at i-click ang “Book Now” sa napili mong destinasyon!