Nag-aalala ngayon ang mga residente ng Pasig City matapos ang isang rambol ng mga estudyante na nauwi sa pananaksak. Dalawang estudyante ang sugatan matapos saksakin ng kapwa nila estudyante.
Sa isang video na kumakalat sa Facebook, makikita ang ilang estudyante na pinagtutulungan ang kanilang kaklase.
Ayon sa ulat, mga estudyante mula sa Rizal High School sa Pasig City ang sangkot sa insidente.
Sa video, makikita rin ang isang estudyanteng naka-brown na uniform na may hawak na balisong, habang pinagtutulungan ang isa pang estudyante.
Matapos ang gulo, nakitaang duguan ang uniform ng dalawang estudyante, na tila nasaksak habang binubugbog.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente, kabilang ang pagkakakilanlan ng mga estudyante at ang posibleng dahilan ng rambol.