
Si Enako, isang sikat na cosplayer sa Japan, naglabas ng sama ng loob tungkol sa AI-generated images na ginamit ang kanyang pictures nang walang paalam. Ayon sa kanya, sobrang dami ng images na kamukha niya ang nalikha ng AI, at hindi niya ito nagugustuhan.
Dagdag pa niya, “‘Parang AI’ hindi talaga siya compliment.” Mukhang matagal na siyang may inis dito, kasi last year pa niya sinabing, “Halos buto na lang ang natira sa akin dahil sa AI.”
Sa ngayon, hindi lang cosplayers ang affected. Pati voice actors sa Japan nag-react na rin. Nagbuo pa sila ng grupong “NOMORE AI” para ipaglaban ang kanilang rights.
Mukhang habang nag-a-advance ang AI, dumadami rin ang problems na kailangang ayusin. Kailangan talaga ng proper rules para maiwasan ang ganitong issue.