Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nahaharap sa matinding pagsubok sa kabila ng pagtitiyak ng administrasyon ni Pangulong Marcos na “matatag ang paglago ng ekonomiya.” Dalawang negatibong balita ang lumitaw kamakailan: ang posibleng pagbulusok ng piso at ang malakihang pag-alis ng dayuhang puhunan.
Ayon sa Manila Times, maaaring bumagsak ang piso sa 60:1 laban sa dolyar sa unang quarter ng 2025 at umabot pa sa 63:1 sa ikalawang quarter. Sinabi ng Maybank na ang kawalang-katiyakan sa pandaigdigang ekonomiya, lalo na ang agresibong patakaran sa taripa ng Estados Unidos, ang pangunahing dahilan ng posibleng pagbagsak ng piso.

Bukod sa pagbulusok ng piso, lumalabas din ang mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Ayon sa Manila Bulletin, ang dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas ay bumagsak ng 38.87% noong 2024 kumpara noong 2023. Kabilang sa mga bansang malaki ang ibinabang pamumuhunan ay ang Alemanya, Netherlands, Hapon, Singapore, Pransya, at Tsina.
Gayunpaman, marami ang nagdududa kung sapat na ang isang batas upang maibalik ang tiwala ng mga mamumuhunan at mapatatag ang ekonomiya. Sa gitna ng global na hindi tiyak na kalakalan at ekonomiya, magiging hamon para sa Pilipinas na maiahon ang piso at mapanatili ang dayuhang pamumuhunan sa bansa.