
Inanunsyo na ng Aurora Music Festival sa Clark ang kanilang engrandeng lineup para sa dalawang araw ng 2025 edition ng festival. Tampok ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa lokal na musika, gaganapin ang inaabangang event sa May 3 at 4 sa Clark Global City, Pampanga.
Kasama sa listahan ng mga magtatanghal ang mga P-pop sensations tulad ng BINI at BGYO, pati na rin ang mga kilalang OPM artists tulad nina Moira at Rico Blanco.

Narito ang Buong Lineup:
📍 Aurora Music Festival 2025
📅 May 3-4, 2025
📍 Clark Global City, Pampanga
Presyo ng Ticket:
🎟 Platinum – Php 5,000
🎟 SVIP – Php 3,000
🎟 Gold – Php 1,000
🎟 Silver – Php 500
Maaaring bumili ng ticket sa kanilang opisyal na website.
Noong nakaraang taon, tampok sa 2024 Aurora Music Festival ang SB19, December Avenue, Juan Karlos, at iba pang sikat na OPM artists.