Ang NETFLIX reality dating show na Single’s Inferno 4 ay tinaguriang "pinakamainit na season" ng mga producer. Matapos ang intense na journey, hindi lang chemistry ng mga kalahok ang pinag-usapan—pati na rin ang kanilang fashion! Ang mga babaeng cast members ay hindi lang may high visuals kundi pati killer outfits sa kanilang IG na siguradong mapapa-follow mo rin!
Narito ang ilan sa mga pinaka-stylish na kalahok at kanilang signature looks:
1. Bae Ji-Yeon
- Style: Sweet & Spicy + Streetwear
- Agad siyang napansin dahil kamukha raw niya si TWICE’s Sana! Sa kanyang IG, makikita ang kanyang toned abs at fit na katawan. Mahilig siya sa crop tops na nagpapakita ng kanyang sexy waist, pati na rin sa mix ng boyish at girly outfits—mula sa oversized na T-shirt hanggang sa body-hugging dresses.
2. Lee Si-An
- Style: Pure & Sexy (Chun-Yu Look)
- Siya ang fan favorite sa season na ito, at walking mannequin kung tawagin dahil kahit anong isuot niya, bumabagay sa kanya! Ang kanyang IG feed ay puno ng trendy Korean fashion: furry leather jackets, cut-out tops, at tweed blazers. Mahilig din siya sa sneakers, kaya’t madalas niyang paglaruan ang casual at formal vibes.
3. Kim Hye-Jin
- Style: Elegant & Relaxed Korean Look
- Isang tunay na beauty queen! Minsan ay sosyalin sa kanyang off-shoulder dresses, minsan naman ay chill sa loose knits at denim. Ang kanyang confidence ang tunay na highlight sa kahit anong outfit niya.
Sa dami ng kanilang fashion inspirations, alin ang pinaka-style mo?