
Malapit na ang Valentine’s Day, at may magandang balita para sa mga KathDen fans! Ang pelikulang Hello, Love, Again ay mapapanood na sa Netflix simula Pebrero 13, 2025. Perfect ito para sa mga naghahanap ng kilig vibes sa bisperas ng Araw ng mga Puso!
Ang pelikula, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo bilang Joy at Alden Richards bilang Ethan, ay unang ipinalabas sa mga sinehan noong Nobyembre 13, 2024. Ito ang pagpapatuloy ng kanilang kwento mula sa Hello, Love, Goodbye at tumutok sa muling pagtatagpo ng kanilang mga karakter pagkatapos ng mga taon ng pagkakalayo.
Sa Netflix, puwede mo nang ulit-ulitin ang kilig at emosyonal na mga eksena. Siguradong marami ang magre-reminisce ng kanilang paboritong linya at mga moments mula sa pelikula. Mas marami rin ang magkakaroon ng pagkakataong mapanood ito, lalo na ang mga hindi nakapanood sa sinehan.
Bukod sa napakagandang kwento, puno rin ito ng aral tungkol sa pagmamahal, pagpapatawad, at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon sa buhay at pag-ibig.
Huwag palampasin! Maghanda na ng popcorn at iyakan o kiligan kasama ang inyong mahal sa buhay, barkada, o pamilya. Abangan ang Hello, Love, Again sa Netflix simula Pebrero 13!