Binuksan ng MINI ang kanilang pop-up store sa Alabang Town Center na magtatagal hanggang Enero 5, 2026. Maaaring tuklasin ng mga bisita ang pinakabagong mga modelo ng MINI sa Corte de las Palmas, Alabang Town Center mula 11 AM hanggang 9 PM araw-araw.
“Ipinapakita ng pop-up store na ito ang susunod na henerasyon ng mga MINI vehicles na dinisenyo para sa mas kapanapanabik na mga pakikipagsapalaran. Isa rin itong magandang pagkakataon para muling makipag-ugnayan sa MINI community at ipaalam ang mga pinakabagong update mula sa MINI. Ang mga kasalukuyang MINI owners ay magkakaroon ng access sa mga eksklusibong vehicle upgrade options at bagong referral program na may espesyal na rewards bilang pagkilala sa kanilang patuloy na loyalty,” ayon kay Willy Tee Ten, Presidente ng Autohub Group of Companies, ang distributor ng MINI sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, naka-display ang Mini Cooper 3-Door, Countryman, at John Cooper Works 3-Door. Sa Pebrero 28, idadagdag na rin ang Mini Aceman sa eksibisyon.
Para sa karagdagang impormasyon, kontakin ang Mini pop-up store sa +63 945 157 0949 (sales) o +63 915 834 4000 (marketing).