Si Amiel Sol, isang singer-songwriter at gitarista, ay sumik sa OPM scene matapos pumasok ang kanyang kantang “Sa Bawat Sandali” sa Top 10 ng Spotify daily chart. Ang kantang ito, na isang modernong harana, ay nagbigay ng bagong tunog at kilig sa mga tagapakinig, lalo na sa mga linyang “Ikaw lang/ ikaw ang aking pahinga…”
Nag-release na si Amiel ng iba pang mga singles tulad ng “Ikaw Lang ang Patutunguhan” at “Di Na Akin,” ngunit ang “Sa Bawat Sandali” ang nagbigay sa kanya ng malaking exposure, lalo na nang mapasama ito sa soundtrack ng Mutya ng Section E sa Viva One.
Si Amiel ay naging bahagi ng bagong wave ng OPM na may malambing at romantic na tunog, kasabay ng mga artistang tulad nina Arthur Nery at Zack Tabudlo. Patuloy na umaasa ang mga music fans na magbibigay pa siya ng mas maraming hit na kanta sa mga susunod na linggo.