Nag-launch ang Huawei ng mga bagong smartwatch tulad ng Watch GT 5 at GT 5 Pro noong nakaraang taon, at ngayon, mukhang magdadagdag pa sila ng bagong feature sa kanilang mga future wearables. Ayon sa isang bagong patent, pinag-aaralan ng Huawei kung paano maglagay ng optical fingerprint sensor sa mga smartwatch na kayang mag-support ng maraming gestures at fingerprints.
Ayon sa MySmartPrice, nakapag-file na ng patent ang Huawei para sa smartwatch na may in-display fingerprint sensor. Ipinapakita sa patent na ito na ang buong display ng smartwatch ay maaaring magsilbing fingerprint sensor, katulad ng nasa mga Android smartphones ngayon.
3D Fingerprint Scanner na Suportado ang Iba’t Ibang Gestures
Ang mga larawan ng patent ay nagpapakita na kaya ng fingerprint scanner na mag-register ng 360-degree na imprint ng daliri, para mag-perform ng iba’t ibang actions. Sinusuportahan nito ang maraming gestures, tulad ng paggamit ng thumb para mag-back gesture, index finger para mag-call, at middle finger para magsara ng apps. Maaari ring kontrolin ng users ang volume at brightness ng smartwatch gamit ang gestures. Halimbawa, pwede nilang i-twist ang daliri clockwise o counter-clockwise para i-adjust ang volume o brightness.
Hindi pa inilalabas ng Huawei ang eksaktong detalye tungkol sa pagdagdag ng in-display fingerprint sensors sa kanilang wearables. Maaring ang teknolohiyang ito ay ginagamit lang nila para sa testing at baka magbago pa bago mailabas ang susunod nilang mga smartwatch. Kung matutuloy, makakatulong ito sa pagpapabuti ng security at safety ng personal data ng mga users.