
Idinagdag ng Porsche ang isa na namang tagumpay sa kanilang Taycan lineup, na nagtakda ng bagong Guinness World Record para sa pinakamahabang tuloy-tuloy na drift sa yelo ng isang electric vehicle. Sa likod ng manibela ng Taycan GTS, tinapos ng Porsche Experience instructor na si Jens Richter ang 132 na laps sa isang controlled oversteer, na umabot ng 17.503 kilometers sa loob ng 46 na minuto sa Porsche Arctic Center sa Levi, Finland.

Ang record attempt na ito, na naganap noong Enero 14, 2025, ay hindi naging madali. Dahil sa matinding stress ng drifting, mabilis na nasira ang 59-meter na ice track, kaya kinailangan nilang huminto ng maaga matapos ang 11 kilometers sa unang pagtatangka. Pero matapos magpalit ng shorter spikes at gamitin ang malamig na temperatura sa gabi, matagumpay na na-navigate ni Richter ang Taycan GTS sa isang seamless drift, na tinabunan ang dating record na 14.809 kilometers.

“Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng kahusayan ng Taycan sa chassis at balance, na napatunayan ang precision nito kahit sa matinding kondisyon,” sabi ni Jens Richter.

Pinangunahan ni Guinness World Records adjudicator Carl Saville, at ginamit ang isang professional GPS tracking system upang sukatin ang distansya, throttle input, steering angle, at G-forces. Ang Taycan GTS ay nanatili sa kanyang stock configuration, gamit ang Michelin tires na may 1mm spikes.

Ito na ang ika-apat na Guinness World Record ng Taycan, matapos na maitala ang mga previous records para sa altitude change, speed sa enclosed building, at tuloy-tuloy na drifting sa dry pavement.