Opisyal nang inanunsyo ni Jennie ang kanyang debut solo studio album na 'Ruby', na ilalabas sa March 7 sa pamamagitan ng ODDATELIER/Columbia Records.
Ang inaabangang album ng BLACKPINK na miyembro ay magkakaroon ng kabuuang 15 track, kabilang na ang lead single na “Mantra” at mga collaboration nila kasama sina Childish Gambino, Doechii, Dominic Fike, Dua Lipa, FKJ, at Kali Uchis. Ayon sa isang press release, ang Ruby ay isang “sonic experience” na “nag-eexplore ng iba’t ibang genre at ipinapakita si Jennie na tunay na nagiging isang global na powerhouse.”
Bukod sa streaming, ang album ay magiging available din sa iba’t ibang physical formats, kabilang ang dalawang photobook, isang CD digipack, at isang eksklusibong version na available lamang sa Target. Kasama sa mga physical na produkto ng Ruby ang espesyal na Jennie Only Audio version ng album, na tanging ang mga vocals ni Jennie lamang ang maririnig, at hindi ang mga featured artists.
Panuorin ang trailer sa taas. Ang Ruby ni Jennie ay ilalabas sa March 7.