Iba-iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagsusuot ng relo, at may ilan din na bumibili nito bilang koleksyon. Ngunit kung ikaw ay isang LEGO enthusiast at isang fan ng mga mamahaling relo, malamang na matutukso ka sa ideya ng "LEGO Rolex Submariner Series."
LEGO ROLEX na Relo
Una sa lahat, kailangang malinawan na hindi talaga nakipag-collaborate ang Rolex sa LEGO, at walang LEGO na naglabas ng relo na gawa sa bricks. Ang nakikita mong mga imahe ngayon ay mga AI-generated creations na ibinahagi ng isang netizen na si "aislides." Kaya't hindi ito tunay na produkto, ngunit! Bagaman hindi ito isang aktwal na produkto, maganda ang konsepto, at nang ipublish ang mga likha, marami ang pumuri dito. Marami ang nagsabing kung hindi nila kayang bumili ng orihinal na Rolex, baka masaya na sila kung isang LEGO version ng relo ang maaari nilang kolektahin at ipagmalaki.
At kung may sikat na personalidad na magtangkilik at ang social media ay magsimulang mag-share ng mga ganitong ideya, hindi malayong maging popular ang mga LEGO relo bilang bagong paboritong laruan ng kabataan. Ang tanong na lang ay kung mayroong tatangkilik at maglalabas ng ganitong produkto.