Sa Tokyo Auto Salon 2025, ipinakita ng Toyota ang tatlong natatanging bersyon ng GR Yaris, na bawat isa ay kumakatawan sa isang natatanging pananaw para sa performance at inobasyon — ang GR Yaris (NÜR 24h), M Concept, at Aero Package Prototype.
Ang GR Yaris NÜR 24h ay tanda ng pagbabalik ng Toyota sa Nürburgring 24 Hours endurance race matapos ang anim na taon ng pamamahinga. Nilagyan ng bagong GAZOO Racing Direct Automatic Transmission, ang modelong ito ay magiging kalahok sa ilalim ng pinagsamang TOYOTA GAZOO ROOKIE Racing (TGRR) team. Ang GR Yaris ay sumailalim sa mahigpit na pagsusuri sa mga kalsada sa Japan at sa kilalang Nürburgring circuit sa buong 2024, na nagpapakita ng dedikasyon ng Toyota sa pagpapahusay ng mga sasakyan at drayber para sa matinding kondisyon ng karera.
Para pa ipush ang GR Yaris platform, ipinakita ng Toyota ang GR Yaris M Concept. Nilagyan ng midship-mounted, turbocharged na 2L inline 4-cylinder engine, ang modelong ito ay sumasalamin sa “driver-first” na pilosopiya ng Toyota. Dinisenyo para sa Super Taikyu Series, ang GR Yaris M Concept ay dumaan sa masusing proseso ng pagsusuri, pagkumpuni, at pagpapabuti sa ilalim ng kondisyon ng karera. Ang pag-unlad nito ay isinasaalang-alang ang feedback mula sa mga propesyonal na drayber at ang masigasig na gabay ni Morizo.
Ang GR Yaris Aero Package Prototype ay isa ring paborito ng mga enthusiast dahil sa mga modernong aerodynamic upgrades nito. Binuo kasama ang mga propesyonal na drayber, ito ay may variable rear wing at anim na performance-enhancing na bahagi, lahat ay dinisenyo upang mapabuti ang handling at stability. Ang matapang na disenyo ay pinagtibay pa ng vertical handbrake option.