Maaaring bumalik si Chris Evans sa Marvel Cinematic Universe (MCU) para sa nalalapit na pelikulang Avengers: Doomsday.
Ayon sa The Wrap, hindi pa malinaw ang detalye ng papel ni Evans sa Doomsday. Bagamat nagpaalam na si Evans sa kanyang iconic na papel bilang si Steve Rogers/Captain America sa Avengers: Endgame noong 2019, kung saan tumanda na si Steve Rogers, ipinapahiwatig ng The Wrap na maaaring maging katulad ng papel ni Robert Downey Jr. ang pagbabalik ni Evans.
Habang kumpirmado na namatay si Tony Stark/Iron Man sa Endgame, may variant ni Stark na magpapakita bilang si Doctor Doom sa Doomsday. Mayroon ding mga spekulasyon na magbabalik si Evans bilang Johnny Storm mula sa mga Fox Fantastic Four na pelikula — isang karakter na ginampanan din niya sa Deadpool at Wolverine — ngunit wala pang kumpirmasyon.
Wala pang komento ang Marvel o si Evans tungkol sa balita.
Ang Avengers: Doomsday, na ididirehe nina Joe at Anthony Russo, ay nakatakdang ipalabas sa Mayo 1, 2026.