Ang pinakahihintay na huling posthumous album ni Juice WRLD na handog ng kanyang estate ay dumating na. Pinamagatang The Party Never Ends, ito ang ikalimang studio album ng rapper, na inilabas kasunod ng EP na The Pre-Party ngayong taon. Ito rin ay bilang paghahanda para sa ika-apat na taunang Juice WRLD Day 2024: A Global Celebration of Life, na gaganapin sa Sabado, Nobyembre 30 sa Chicago, Illinois.
Ang 18-track album ay sumunod sa album na Fighting Demons noong Disyembre 2021, na nagkaroon din ng deluxe edition noong 2022. Kabilang dito ang mga tampok na kanta tulad ng remix ng “All Girls Are The Same” kasama si Nicki Minaj, “Lace It” kasama sina Eminem at benny blanco, “Celebrate” kasama si Offset, at “Best Friend” na kasama naman ang Fall Out Boy.
Isa pang kaibigan at matagal nang collaborator ni Juice WRLD, si The Kid LAROI, ay nagdala ng isang makabagbag-damdaming solo na kanta na pinamagatang “Goodbye” sa track nine. Ang album cover art ay likha ni Takashi Murakami.
Tracklist:
- The Party Never Ends
- Misfit
- AGATS2 (Insecure) kasama si Nicki Minaj
- Lace It kasama sina Eminem, benny blanco
- Cuffed
- KTM Drip
- Love Letter
- Condone It
- Goodbye ni The Kid LAROI
- Party By Myself
- Adore You
- Celebrate kasama si Offset
- Jeffrey
- Barbarian
- Best Friend kasama ang Fall Out Boy
- Floor It
- Oxycodone
- Spend It
Ang Juice WRLD Day ngayong taon ay tampok ang performances mula kina Kodak Black, Lil Yachty, Polo G, Trippie Redd, Chuckyy, Cordae, Dave Blunts, G Herbo, Nardo Wick, Screwly G, Star Bandz, at Vonoff1700, pati na rin ang espesyal na listening experience para sa album.
I-stream na ang The Party Never Ends sa Spotify at Apple Music ngayon.