Ang parent company ng Rockstar Games, ang Take-Two Interactive, ay nagbigay ng katiyakan sa mga investors na ang GTA VI ay nasa tamang landas pa rin para sa planong fall 2025 na release. Ang update ay ibinahagi sa kanilang pinakabagong earnings call.
“Sa pagtingin sa hinaharap, inaasahan naming magiging milestone year ang fiscal 2026 dahil plano naming mag-release ng ilang blockbuster titles, kabilang na ang Rockstar Games’ Grand Theft Auto VI sa fall ng 2025, pati na rin ang Borderlands 4 at Mafia: The Old Country,” pahayag ni Take-Two President Karl Slatoff sa kanilang call.
Ang GTA V ay inilabas noong 2013 at nakapagbenta ng higit sa 200 milyon na kopya sa nakaraang dekada. Natural lang na ang mga fans ay sabik na para sa susunod na installment ng franchise. Inanunsyo ng Rockstar ang GTA VI noong unang bahagi ng 2022. Noong taon ding iyon, may mga footage mula sa laro na na-leak. Ngunit noong Disyembre 2023 lamang inilabas ng kumpanya ang official trailer ng bagong laro.
Maghintay ng mga karagdagang updates tungkol sa GTA VI.