Inilabas ng Jaguar ang dalawang eksklusibong E-Type Commemorative models, bilang paggunita sa 50 taon mula nang itigil ang produksyon ng iconic sports car noong 1974. Ang mga bespoke commissions na ito, na nilikha para sa isang kolektor sa Timog-Silangang Asya, ay nagbibigay-pugay sa pamana ng E-Type habang isinama ang makabagong craftsmanship at luho.
Bawat drophead coupe ay isang one-of-one masterpiece, natapos sa mga natatanging color schemes: Signet Green at Opal Black, na mga update ng orihinal na palette noong 1974. Sa loob, mayroon itong hand-stitched na Bridge of Weir leather seats na may kapansin-pansing black at tan woven design — isang unang pagkakataon para sa Jaguar Classic.
Bilang karagdagan, nakipag tulungan ang Jaguar Classic sa kilalang alahero na si Deakin & Francis, nag design ng mga sasakyan ng mother of pearl, sterling silver, at 18ct gold. Ang harapang grille ay nagpapakita ng silver badge na may 18ct gold Growler icon, habang ang steering wheel at gear knob ay pinalamutian din ng mga mahuhusay na materyales.
Sa ilalim ng hood, ang mga sasakyan ay pinalakas ng 3.8L engine na may electronic fuel injection at isang five-speed manual gearbox, na nag-aalok ng halo ng klasikong karanasan sa pagmamaneho at modernong kakayahan. Ang mga modernong detalye tulad ng isang discreet Bluetooth radio at heated windshield ay nagpapahusay sa karanasan sa pagmamaneho ng hindi isina sakripisyo ang vintage na karakter ng mga sasakyan.