Ipinakita ng Bell & Ross ang BR-X5 Blue Lum, isang bagong limited edition na ipinagmamalaki ang kakayahan ng brand sa makulay na lumens.
Patuloy na kumukuha ng inspirasyon mula sa mga cockpit, ang BR-X5 Blue Lum ay nagbibigay ng kakaibang liwanag sa dilim. Isang functional at bold na pahayag sa iyong pulso, ang 41mm na relo ay naglalabas ng maliwanag at tinted na glow na nakamit sa pamamagitan ng natatanging multi-layer construction at paggamit ng titanium at LM3D — isang luminescent composite na dinevelop ng mga engineers sa Bell & Ross.
Mayroon itong pastel blue at matte black na kulay. Ang dial ay may block appliqué indices at skeletonized ang hour at minute hands. Mayroon din isang mahaba at naka-3 o’clock na petsa — na nagbibigay ng digital-like effect. Ang luminescent timepiece na ito ay pinapagana ng BR-CAL.323, isang COSC-certified manufacture movement, na may 70 hours na power reserve.
Limitado sa 500 piraso, ang BR-X5 Blue Lum ay available sa pre-order lamang sa presyo na $13,300 USD (humigit-kumulang PHP 750,000).