Ang Ford ay nagbalik ng isang legendary na pangalan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng 2025 Bronco Stroppe Special Edition, na nagbibigay-pugay sa iconic na Baja-winning Stroppe Baja Bronco mula dekada 1960 at 1970. Ang limitadong edisyon na ito ay pinagsasama ang mataas na bilis sa desert racing legacy ng orihinal na modelo at modernong off-road capabilities.
“Sinasalamin ng bagong Bronco Stroppe Special Edition ang espiritu ng orihinal na Baja Bronco ni Bill Stroppe,” sabi ni Jason Hyde, Bronco brand manager.
Meron itong mga performance enhancements tulad ng Fox Internal Bypass Dampers para sa desert running, isang standard 2.7L EcoBoost V6 engine, at ang Baja G.O.A.T. (Goes Over Any Terrain) Mode. Eksklusibo itong available bilang two-door model at pinapalitan ang Wildtrak sa lineup ng Ford Bronco, na may mga off-road equipment tulad ng Stabilizer Bar Disconnect, HOSS 3.0 suspension, at 35-inch Goodyear Territory RT tires.
Mahalaga rin na ang exterior ng Bronco Stroppe Special Edition ay may modernong bersyon ng orihinal na Stroppe livery, na gumagamit ng mga kulay tulad ng Code Orange, Oxford White, at Atlas Blue. Ang bold design nito ay may mga squared-off high-clearance fenders, matte black hood, at 17-inch beadlock-capable wheels. Unique branding tulad ng “Stroppe Special Edition” at “Bronco” markings ay nagdadagdag sa heritage styling nito.
Sa loob, ang cabin ay may mga Code Orange accents mula sa mga grab handles hanggang sa G.O.A.T. mode dial, na nagbibigay-diin sa racing heritage nito.
“Ang kombinasyon ng mga kulay at design na ito ay isang iconic tribute sa Baja Bronco, at pinararangalan nito ang kasaysayan at performance ng brand,” sabi ng North American Design Director na si Gordon Platto.
Sa oras ng pagsusulat, wala pang anunsyo tungkol sa presyo at availability ng 2025 Bronco Stroppe Special Edition.