Nasa labas na ang sikreto. Ang Zenith at Porter, mga sikat na Japanese bag brand, ay nag-collaborate para sa isang nakakagulat na proyekto. Sa tema ng travel, naglabas ang dalawang brand ng limitadong edisyon ng Pilot watches na may khaki ceramic finish.
May 40mm case size ang Zenith Pilot Automatic Porter Edition na may kasamang tonal dial na tugma sa khaki-hued case nito. Naka-equip ito ng 60 hours na power reserve at gumagamit ng Swiss Maison’s El Primero 3620 movement, kumpleto sa 6 o’clock date.
Kasabay nito, ang Zenith Pilot Big Date Flyback Porter Edition ay meron ding parehong kulay ngunit may mas malaking case size na 42.5mm. Nasa loob ng timepiece na ito ang El Primero 3652 caliber na may 60 hours na power reserve kasama ang big date, chronograph, at flyback functions.
Para maging tapat sa DNA ng modelong ito, ang dial sa parehong variant ay may horizontal grooves na kahawig ng itsura ng corrugated metal sheets mula sa mga vintage aircraft. Ang mga Arabic numerals at logo ay may lume para sa readability sa low-light conditions. Sa ilalim ng maliwanag na ilaw, ang mga markings ay nagiging pristine white na nagpapatingkad sa mukha ng relo. Ang orange handsets ay nagbibigay ng kakaibang kulay sa dial, kung saan pinapakita iconic na hue ng interior ng mga Porter bags.
Ang Pilot Automatic Porter Edition ay may presyong $11,300 USD (humigit-kumulang PHP 650,000), habang ang Pilot Big Date Flyback Porter Edition naman ay nagkakahalaga ng $15,500 USD (humigit-kumulang PHP 900,000). Limitado lamang sa 500 units, ang parehong modelo ay may kasama pang khaki Codura effect rubber strap at nylon khaki strap mula kay Porter, at available para ma-order simula Oktubre 26 sa website ng Zenith.