Ang mini PC na ito na hango sa Macintosh na pinapagana ng AMD Ryzen 3 3200U processor at may naka-pre install na Windows 11 Home Edition. Meron itong configuration na 16GB RAM at 512GB SSD storage.
Pagdating sa connectivity, kasama dito ang Wi-Fi 5 at Bluetooth 4.2. May mga ports ito para sa USB-C 3.2, HDMI, DisplayPort 1.4, ethernet, at 3.5mm audio jack. Ang presyo nito ay nasa PHP 11,995.
Para sa mga interesado, puwede ninyong tignan ang official listing ng DataBlitz 126. Meron din itong variant na powered by Ryzen 7 5700U processor. Sa ngayon, wala pang balita kung magiging available din ito dito sa bansa.
Abangan ang mga updates kapag may bagong impormasyon na dumating. Ano sa tingin niyo ang Ayaneo Retro AM01? Share n'yo thoughts n’yo sa comment section!
Specs ng Ayaneo Retro AM01
AMD Ryzen 3 3200U processor
16GB DDR4 RAM
512GB SSD
Wi-Fi 5
Bluetooth 4.2
Windows 11 Home Edition (64-bit)
1x M.2 2280 PCIe 3.0 slot (NVMe at SATA SSD support)
1x SATA 3.0 interface (2.5-inch SSD at HDD support, kinakailangan ng bracket)
1x USB Type-C 3.2 Gen 1 port
1x USB Type-A 2.0 port
3x USB Type-A 3.2 Gen 2 port
1x HDMI 2.0 port
1x DisplayPort 1.4
1x 3.5mm audio port
1x RJ45 Gigabit Ethernet port
1x DC Power Connector
35W large high pressure turbo fan
132 x 132 x 60.5mm (dimensyon)
466 grams (bigat)