Unang inilabas ng Bowers & Wilkins ang Zeppelin wireless speaker noong 2007 – dati itong docking station para sa iyong iPod. Sa mga nakaraang taon, nakatanggap ang speaker ng ilang revamps, at ang pinakabago ay ang Zeppelin Pro model.
Nanatili ang hugis ng orihinal na Zeppelin, pero may mga subtle upgrades na naidagdag sa disenyo at mga teknikal na kakayahan nito. Ang speaker ay available sa dalawang bagong finishes: “Solar Gold” at “Space Gray,” at mayroon na itong adjustable downlight, kung saan puwede mong piliin ang iba't ibang kulay ng ilaw at ayusin ang liwanag nito.
Galing sa 600 Series loudspeakers ng B&W, gumagamit ang Zeppelin Pro ng titanium dome tweeters at 150mm subwoofer design para mabawasan ang vibration at makakuha ng mas malinis na tunog. Ang modelong ito ay compatible din sa B&W headphones at earbuds, kaya puwede kang makinig sa parehong track habang nagpapalit ng devices.
Noong nakaraang taon, nakipagtulungan ang B&W sa McLaren Automotive para sa isang limited-edition na bersyon ng Zeppelin na may “Galvanic Grey” finish at subtle na “Papaya Orange” lighting.
Available ang bagong Zeppelin Pro sa halagang $799 USD (humigit kumulang PHP 46,000) sa website ng Bowers & Wilkins.