SKU: HM5737-600
Kulay: ”Fire Red”
Presyo: $130 USD
Petsa ng Paglabas: October 24, 2024
Ipinakilala ng Nike ang kanilang kakaibang Air Rift model sa bagong “Fire Red” colorway. Ang paparating na bersyon ng intricately designed silhouette na ito ay nag-deliver ng mas elevated look dahil pinalitan nito ang tradisyunal na materyal ng leather. Bukod dito, ang all-red colorway at Tabi-like toebox middle split ay nagdagdag ng visual layers na talaga namang mapapansin. Makikita ang branding sa embroidered mini swoosh sa toebox, insoles, at heel strap. Ang midsole at outsole naman ay nagbibigay ng komportableng fit at matagalang gamit, kagaya ng barefoot running. Kumukumpleto sa model ang velcro straps sa midfoot at heel para masigurado ang snug fit.