Inilabas na ng Aston Martin ang bagong DB12 “Goldfinger Edition” bilang pagdiriwang ng 60 taon ng partnership nila sa James Bond franchise. Inspired ng unang appearance ng brand sa pelikulang Goldfinger noong 1964, ang DB12 Goldfinger Edition ay limited lang sa 60 units.
Ginawa ng bespoke division ng Aston Martin, ang Q by Aston Martin, ang kotse na ito na nagpapakita ng legacy ni Bond sa pamamagitan ng mga luxurious design elements. Ang DB12 Goldfinger ay ipinakita sa Silver Birch, ang signature color ng iconic na DB5. May 21-inch multi-spoke wheels ito, gold side strakes, at isang exclusive chrome “Q” badge. Sa loob, leather Sports Plus seats na may fluted pattern ang ginamit, na inspired ng signature suit ni Bond. Dagdag pa rito, may 18k gold-plated accents ang gear selector at mga dials, na nagbibigay parangal sa golden tracking device na nasa Goldfinger. Sa ilalim ng hood, ang DB12 Goldfinger ay may 4L V8 Twin-Turbo engine na kayang mag-produce ng 670 hp. Ang Bowers & Wilkins audio system naman ang magbibigay ng immersive soundtrack experience.
Bilang tribute sa mga Bond fans, makikita ang “eight of hearts” motif, na napanood sa Miami pool scene ng Goldfinger, na nakaburda sa sun visor ng driver. Bawat kotse ay may kasama ring unique gifts tulad ng bahagi ng Furka Pass film reel, isang custom model sa Silver Birch, at isang vintage 2007 Bollinger Champagne set, na lahat ay nakalagay sa Globe-Trotter attaché case na ginaya ang design ng kotse.
“The relationship between Aston Martin and the James Bond franchise is always treasured,” sabi ni Marco Mattiacci, Global Chief Brand Officer ng Aston Martin, na nagdagdag pa ng “This limited-edition celebrates the extraordinary legacy of our first Bond car with subtle, impactful touches.”
Para sa detalye tungkol sa presyo at availability ng DB12 Goldfinger Edition, bisitahin ang mga official channels ng Aston Martin, at inaasahang magsisimula ang deliveries nito sa 2025.