Ang audio equipment brand na Teenage Engineering ay nakipagtulungan kay Sean Ono Lennon para makagawa ng immersive listening experience para sa album ni John Lennon na Mind Games noong 1973. Ang kinalabasan ay isang OB–4 bluetooth speaker na nagtatampok ng orihinal na album, kasama na ang 9 Meditation Mixes ng Mind Games, isang eksklusibong bagong Metronome, at 9 Mantras na puwedeng baguhin ng mga users ayon sa gusto nila.
Ang OB-4 ay isang high fidelity speaker na may mga creative tools tulad ng rewind, loop, at fast-forward. Sa isang pahayag, sinabi ni Sean Ono Lennon, “Ang ideya na gawing parang laro ang Mind Games album ay naging isang kamangha-manghang limited edition speaker at radio na magbibigay-daan sa’yo para i-modify ang klasikong album ni John Lennon sa ambient mode sa isang paraan na hindi pa nagagawa dati. Talagang hindi na ako makapaghintay na subukan ito ng mga tao!”
Ang dating miyembro ng Beatles ay nananatiling icon ng modernong musika na nagpush ng boundaries ng rock genre gamit ang malawak na katalogo ng experimental work at global hits.
Ang interactive album concept ay nag-ugat sa pakikipagtulungan ng Teenage Engineering sa yumaong designer na Virgil Abloh, na naglagay ng mga tunog ng tradisyonal na Ghanaian music sa disk mode ng OB–4 Off-White edition.
Ang Mind Games OB–4 ay isang limited edition na produkto na available lamang mula October 9-31 o hanggang maubos sa web store ng Teenage Engineering.