Ang may-ari ng TikTok na si ByteDance ay pumasok sa mundo ng hardware sa pamamagitan ng kanilang unang pares ng earbuds. Tinawag na Ola Friend, ang mga earbuds na ito ay ilulunsad nang eksklusibo sa China.
Ang pangunahing bentahe ng mga earbuds ay naglalaman sila ng AI chatbot ng kumpanya, na pwedeng gamitin kahit walang smartphone. May open ear design ang mga ito at idinisenyo upang “maging audio assistant kapag ang user ay naglalakbay, nag-aaral ng English, nakikinig ng musika, o naghahanap ng kasama,” ayon sa South China Morning Post.
Para i-on ang earbuds, kailangan lang sabihin ng user ang “Doubao Doubao,” isang salita mula sa generative AI model ng ByteDance, ayon sa SCMP.
Ang Ola Friend buds ay may presyong ¥1,199 CNY (humigit kumulang PHP 9,700) at ilulunsad sa October 17, eksklusibo sa China.