Para ipagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng 007 Goldfinger, inilabas ng Globe-Trotter ang isang limitadong koleksyon na nakatuon sa iconic na pelikula.
Kasama sa release na ito ang isang espesyal na carry-on suitcase na inspirasyon ng Aston Martin DB5 ni James Bond, pati na rin ang kanyang gray at white na Glen Check three-piece suit. Ang luggage ay may high-gloss metallic silver finish na katulad ng exterior ng DB5, na may signature corners at handles na gawa sa black leather mula sa Globe-Trotter. Samantalang ang lining ng suitcase ay may digitally reinterpreted na Glen Check pattern bilang paggalang sa outfit ng 007 agent. Limitado sa 60 na yunit, bawat 007 Goldfinger Carry-On Case ay nagkakahalaga ng £3,895 GBP (PHP 290,025) at may unique serial plaque.
Bukod dito, kasama sa limitadong release na ito ang set ng tatlong number plate charms na pwedeng ikabit sa suitcase. Ang mga charms ay umaayon sa three-way rolling license plate sa Aston Martin DB5 ni James Bond, at bawat variant ay sumasalamin sa mga number plates ng agent sa UK, France, at Switzerland. Ang British at French number plate charms ay available ng hiwalay sa halagang £185 GBP (PHP PHP 18,100), habang ang set ng tatlo ay nagkakahalaga ng £495 GBP (PHP 36,900).
Available na ang koleksyon sa website ng Globe-Trotter at sa kanilang flagship stores sa London, Paris, at Tokyo. Ang mga limited-edition cases ay available din sa 007 website at sa mga piling department stores.