May solusyon na ang Spotify para sa nakakainis na sitwasyon na nangyayari kapag sakay ka na ng eroplano at bigla mong naisip na nakalimutan mong i-download ang music mo. Ang bagong feature na ito ay tinatawag na Offline Backup at kapag naka-on, awtomatikong gumagawa at nagda-download ito ng playlist para magamit offline.
Ang Offline Backup ay kumukuha ng mga kanta na nasa queue at recently streamed ng user at pinagsasama-sama ito sa isang playlist. Ang app ay gumagamit lamang ng mga track na naka-store na sa device ng user bilang bahagi ng kanilang cache – kahit na hindi pa na-download ang mga kanta.
Kapag nagawa na, puwedeng i-sort ng users ang kanilang Offline Backup playlist at ayusin ang music ayon sa nararamdaman o genre. Ang playlist ay patuloy na nag-e-evolve para isama ang mga pinakabagong streamed tracks ng user, na nagpapakita ng pagbabago sa kanilang panlasa.
Unang inilunsad ang Offline Backup sa beta noong nakaraang taon at ngayon ay available na ito sa lahat ng Spotify Premium subscribers sa buong mundo.