Inilabas ng French independent watch brand na Depancel ang Allure Chronograph MecaQ, isang bagong bersyon ng kanilang pamosong Allure Chronograph.
May vintage motorsport vibe, ang relo ay may mga detalye ng orange at pula na hindi lang nagpapaganda sa markings ng dial sa sleek na itim na base nito, kundi nagpapadali rin sa pagbasa ng oras.
Ang bagong Allure Chronograph MecaQ ay may vintage-inspired na sukat, na 36mm ang diameter, at may classic na circular dial sa loob ng isang kakaibang cushion-shaped watch case. Ang redesigned na case na ito ay hindi lang ang nag-iisang feature na nagpapalayo sa modelong ito sa mga naunang bersyon, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas ang Depancel ng integrated metal bracelet.
Ang open caseback ay nagbibigay ng tanaw sa quartz movement ng relo, na pinagsama ang Seiko’s SII VK63 mecaquartz sa isang tri-compax chronograph. May presyong $595 USD (PHP 33,500), ang Allure Chronograph MecaQ 36mm ay magiging available para bilhin sa official website ng Depancel simula October 15.