Nag-release ang Netflix ng isa na namang teaser para sa ikalawang season ng viral series na Squid Game. Halos tatlong taon matapos mag-create ng global buzz ang South Korean show nang ilabas ang unang season noong 2021, finally, babalik na ito sa streaming service sa December 26, 2024.
Ang bagong teaser ay nagsisimula sa isang playful montage ng salesman na ginagampanan ni Gong Yoo habang naghahanda para sa araw. Pinapack niya ang kanyang briefcase kasama ang mga pamilyar na game pieces at prize money na nagdala kay Gi-Hun, ang pangunahing karakter, sa scheme sa unang season. Si Gi-Hun, na ginagampanan ni Lee Jung-jae, ay lumabas din sa isa pang teaser na nagpakita sa contestant na bumalik sa misteryosong complex kung saan naganap ang laro.
Ang nakakabighaning depiksyon ng production sa mga imposibleng hamon na dinaranas ng mga contestant para sa pagkakataong manalo ng cash prize ang naging dahilan kung bakit ito ang pinaka-pinapanood na series sa Netflix. Ang production na idinirehe ni Hwang Dong-hyuk ay nakatanggap din ng 6 sa kanyang kahanga-hangang 14 Emmy nominations noong 2022.
Panoorin ang bagong teaser para sa Squid Game season two sa itaas.