Ang pinakabagong electrified supercar ng Lamborghini, ang Temerario, ay nag-debut sa digital world sa Asphalt Legends Unite, isang sikat na racing game na ginawa ng Gameloft. Bilang pangalawang modelo sa lineup ng High Performance Electrified Vehicle (HPEV) ng Lamborghini, ang Temerario ay nagdadala ng kakaibang disenyo at performance sa mga gamers sa buong mundo sa isang espesyal na in-game event mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 23.
Bilang pagdiriwang, nakipagtulungan ang Lamborghini sa Asphalt Legends Unite para ilunsad ang Lamborghini Temerario esports challenge. Maari mong i-unlock ang bagong Temerario sa pamamagitan ng pagtapos sa unang karera ng event at makipagkumpitensya para sa ultimate title ng champion sa isang two-phase competition. Ang Qualifier 1 ay magaganap mula Setyembre 26 hanggang Oktubre 2, habang ang Qualifier 2 ay mula Oktubre 3 hanggang Oktubre 9. Ang pinakamabilis na mga players mula sa bawat round ay makakapag-advance sa finals na gaganapin sa iconic Jerez Circuit sa Nobyembre.
Ang laro ay nagtatampok ng Temerario na nilagyan ng espesyal na Bridgestone high-performance tires, na nagpapatuloy sa matagal nang partnership ng Lamborghini at ng tire manufacturer. Makakatanggap din ang mga players ng exclusive Bridgestone livery at decal sa kanilang paglahok.