Inanunsyo ng LEGO ang dalawang bagong sets para sa kanilang Sonic the Hedgehog collection, na nakatakdang ilunsad sa Enero 2025. Ipinakita ang mga ito sa annual Sonic Central livestream, kung saan maari nang muling buhayin ng mga fans ang mga pakikipagsapalaran kasama ang mga paboritong karakter at kalaban ni Sonic sa anyo ng LEGO bricks.
Ang unang set, LEGO Sonic the Hedgehog: Sonic’s Campfire Clash (77001), ay may 177 pirasong build kung saan kailangan protektahan ni Sonic ang Chaos Emerald mula sa G.U.N. Beetle at G.U.N. Hunter habang nagre-relax sa isang cozy campfire. Puwedeng ilunsad ng mga fans si Sonic gamit ang kanyang signature speed sphere para talunin ang mga robot na kalaban, iligtas si Tocky, at mangolekta ng Gold Rings.
Kasama rin sa ilalabas ng LEGO ang Sonic the Hedgehog: Super Shadow vs. Biolizard (77003), kung saan kailangan ng mga builders na ipagtanggol ang Space Colony ARK mula sa makapangyarihang Biolizard. Gamit ang Super Sonic, Super Shadow, at speed sphere launcher, maaring tuklasin ng mga fans ang mga mahihina na bahagi ni Biolizard at kunin ang Chaos Emerald.
Ang mga bagong releases na ito ay kasunod ng iba pang Sonic-themed sets na ipinakilala noong unang bahagi ng 2024, kasama na ang action-packed na LEGO Super Sonic vs. Egg Drillster (76999). Ayon kay LEGO Designer Frédéric Roland Andre, excited ang kumpanya na maipakita ang mga paboritong karakter ng fans at mga iconic na eksena mula sa Sonic.
Ang mga bagong sets ay ilulunsad sa LEGO’s official site sa Enero 1, 2025, at ang presyo nito ay naglalaro mula $55 (PHP 3,100) hanggang $80 (PHP4,500) USD.