Ang Seiko ay nagdagdag ng dalawang bagong limitadong edisyon ng relo sa kanilang Presage Cocktail Time collection. Patuloy silang kumukuha ng inspirasyon mula sa Japanese cocktail culture, at ang mga relo ay hango sa sikat na Star Bar sa Ginza.
May dalawang sukat ang mga ito – 45.5 mm at 30.3 mm. Ang parehong disenyo ay batay sa “Night Time Tokyo,” isang bagong inumin na ginawa ng award-winning bartender ng Star Bar na si Hisashi Kishi. Ang mga dial ay may misteryosong black-to-gray-gradient na sumasalamin sa intense na kulay ng inumin, habang ang maganda at textured na finish ay nagpapakita ng yelo sa cocktail glass. Ang mga indices at hands ng relo ay kulay ginto bilang paggalang sa pangalan ng inumin, na nag-uugnay sa makislap na ilaw ng gabi sa Tokyo.
Ang parehong modelo ay powered ng Seiko’s in-house 4R35 automatic caliber, na may 41 hours of continuous running time. Limitado sa 9,000 piraso, ang mas malaking variant ay nagkakahalaga ng £480 GBP (mga $640 USD), habang ang mas maliit na sukat ay may price tag na £570 GBP (PHP 42,309) at limitado sa 6,000 piraso lamang. Ang mga relo ay may kasamang matching metal bracelets at magiging available sa website ng Seiko Boutique.