Matapos ang mga bagong labas ng TAG Heuer na Carrera Extreme Sport, nagbukas ang Swiss watch brand ng panibagong kabanata para sa kanilang iconic na Monaco Chronograph. Dumating ito sa kulay na Racing Green, patuloy na nagbibigay pugay sa motor-racing heritage ng TAG Heuer.
Sa karaniwang 39mm case size ng Monaco, ang pinakabagong bersyon ay may silver sunray brushed dial na may dalawang green opaline sub counters. Para sa isang pop ng kulay, ang 12 o’clock hour marker at central seconds hand ay may vivid yellow lacquer.
Gawa ito sa Grade 2 titanium, at ang watchcase ay may sandblasted finish, nakasuot ng beveled at domed sapphire crystal. Ang open caseback ay nagpapakita ng automatic-winding Calibre 11, na may 28,800 hourly vibrations at power reserve na 40 hours.
Naka-presyo ito ng $9,300 USD at available sa website ng TAG Heuer. Ang Monaco Chronograph Racing Green ay may kasamang rally-style leather strap sa kaparehong kulay.